Tuesday, October 13, 2009

rizal

Fredelyn Marie A. Robles Prf. McDonald Pascual
BSA 2-3D
Jose Rizal the Movie
Nagsimula ang nobela na nagsusulat ng kanyang nobela si Dr. Jose Rizal (Cesar Montano). Ipinakita din dito ang pag-iimprenta sa mga ito. samantalang sa pilipinas, patuloy naman ang pag-aaklas ng katipunan sa pamumuno ni Andres bonifacio (Gardo Versoza). Dahil dito, hinuli ang kapatid ni Rizal na si Paciano (Pen Medina), binugbog at pinaamin kung ano ang kinalaman ni Jose sa nagaganap na rebelyon. Ni kalaunan, inakusaha si Dr. Jose Rizal ng pagtataksil sa Espanya kaya naman dinakip siya. Binigyan siya ng tagapagtanggol sa katauhan ni Luis taviel de Andrada (Jaime Fabregas). Isinalaysay ni Dr. Jose Rizal ang kanyang buhay. Nagsimula ito sa kabataan ni Pepe, sa pagtuturo sa kanya ni Donya Teodora (Gloria Diaz), pag-aaral sa Ateneo Municipal, pang-aapi sa mga Indiong estudyante sa Unibersidad ng Sto. Tomas, pagpapahayag nila ni leonor Rivera ng pag-ibig sa isa't-isa, pag-aaral sa Central University of Madrid, at pagtatatag ng La Liga Filipina. Ipinagbawal ang pagbabasa ng kanyang mga nobela dahil hindi daw maganda ang nilalaman nito. Pinuna ng kanyang tagapagtanggol ang kalungkutan sa kanyang ikalawang nobela at sinabing tila nagiging si Simoun na si Rizal. Nang matapos ang "paghuhukom" agad na hinatulan si Rizal ng kamatayan. At sa kanyang pagkamatay, nagsimula ang rebolusyon laban sa Espanya.
Maganda ang pagkakagawa sa pelikula. Hindi ito nakakaantok panoorin katulad ng aking inaasahan. Hindi rin pangjkaraniwan ang pagkakagawa dito. Nagsimula ito sa pagpapakitang isang magaling na manunulat ang ating pambansang bayani. Sinundan ito ng pagkakadakip kay Dr. Jose Rizal. Sa gitna ng mga pangyayaring ito, ipinapakita ang nakaraan ng ating pambansang bayani. Ito ay mula sa kanyang kabataan hanggang sa kanyang pagtanda. Panaka-naka ring ipinapakita ang mga eksena sa kanyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Maganda ang paggamit ng effects para sa mga eksenang ito. Magaling ang pagkakaganap ng mga aktor at aktres sa kanilang mga eksena. Si Cesar Montano ay tila si Dr. Jose Rizal talaga. Maganda ang pagkakalapat ng make-up sa kanya. Maging ang mga kasuotan ay angkop sa panahon at lugar. Makatotohanan din ang pagganap nina Pen Medina (Paciano), Gloria Diaz (Donya Teodora), Fritz Ynfante (Propesor), at ng iba pa. Maging ang musika at sound effects ay umakma sa istorya. Kahanga-hanga din ang iskrip na kanilang ginamit. Maganda pati ang pagkakabigkas ng mga aktor sa kanilang mga linya.
Ang pelikulang ito ay hindi lamang tumatalakay sa buhay ni Dr. Jose Rizal na ating pambansang bayani. Hindi lamang ito umiikot sa kanyang mga suliranin at paghihirap. Makikita din dito ang "kanser" na tinutukoy ni rizal sa kanyang El Filibusterismo. Masasalamin sa pelikula ang mga pagsubok na kinaharap ng ating bansa. Makikita din dito kung paano hinarap ng ating mga ninuno ang mga suliraning ito. Masasabi ko na tila gustong ipakita ng sumulat nito na ang buhay ni Dr. Jose Rizal ang sentro ng ating kasaysayan nang mga panahong iyon.